^

Probinsiya

Misis dedo sa road mishap

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Nalasog ang katawan ng isang misis matapos na sumemplang ang sinasakyang motorsiklo na minamaneho ng kanyang mister sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. South Villazar, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa.

Patay na nang makarating sa Sipocot District Hospital si Josefina Descayno Rebanal, 57, habang patuloy na ginagamot ang mister na si Elmer Namia Rebanal, 59; pawang residente ng Purok-8, Brgy. Baybay, Malinao, Albay. Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon pauwi ang mag-asawa sa Albay lulan ng motorsiklo (7204-EB)  nang pagsapit nila sa nasabing lugar ay nawalan ng kontrol ang mister sa bilis ng kanilang takbo kaya sila sumemplang. Tumilapon ang mag-asawa dahilan para humataw ang kanilang katawan sa sementadong kalsada. Agad silang sinaklolohan ng mga residente at isinugod sa ospital pero hindi na umabot nang buhay ang ginang.

vuukle comment

ELMER NAMIA REBANAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with