^

Probinsiya

VACC officials kinasuhan ng libel

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

LUNSOD NG ANGELES, Pampanga, Philippines – Sinampahan kama-kalawa ng 10 counts na kasong cyber libel at 2 counts pa ng libel sa Prosecutors Office sa Angeles City Hall ang national president ng Volunteer Againts Crime and Corruption na si Arsenio ‘Boy’ Evangelista at chairwoman nitong si Cory Quirino.

Nabatid na ang head coordinator ng VACC sa region 3 na si Pyra Lucas ang nagsampa ng naturang kaso dahil sa naging deklarasyon umano ni Evangelista sa mga pahayagan at social media noong Abril 2019 na  tinanggal na nito ang una bilang head coordinator ng VACC at binawalan ito na gamitin ang pangalan ng grupo.

Ayon sa mga ulat, sinabi ni Evangelista na ginawa nila ang hakbang dahil sa mga reklamong humingi umano si Lucas ng P2.2 milyon sa isang mag-asawa para mapaboran sa isang kasong panggagahasa na nakabimbin sa Department of Justice.

Ayon kay Lucas, walang katotohanan ang mga lumabas na balita at wala ring mailabas na kopya ng reklamo hanggang ngayon ang pamunuan ng VACC national at wala ring maibigay na kopya sa sinasabing board resolution na nag­lalaman ng pagsibak sa kaniya sa pwesto.

vuukle comment

VACC OFFICIALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with