^

Probinsiya

3 estudyante binaril sa road rage

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 estudyante binaril sa road rage
Ginagamot ngayon sa United Candelaria Doctors Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan sina Arnold Estolano, 19-anyos, Kien Ivan Delos Santos, 18, at ang 14-anyos na itinago sa pangalang Marko; pa­wang mga residente ng Purok 4, Barangay Mangilag Norte.
STAR/ File

CANDELARIA, Quezon, Philippines - Tatlong estudyante ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng backrider ng nakabanggaan nilang motorsiklo kamakalawa ng madaling araw sa highway na sakop ng Purok 3, Barangay Mangilag Norte ng bayang ito.

Ginagamot ngayon sa United Candelaria Doctors Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan sina Arnold Estolano, 19-anyos, Kien Ivan Delos Santos, 18, at ang 14-anyos na itinago sa pangalang Marko; pa­wang mga residente ng Purok 4, Barangay Mangilag Norte.

Sa ulat ng pulisya, minamaneho ni Estolano ang isang motorsiklo at nakaangkas ang dalawang kaibigan at tinatahak ang nasabing highway nang lumiko sila patungo sa direksyon ng Maryland Subdivision dakong ala-1:00 ng madaling araw ay nakabanggaan nila ang kasalubong na isa pang motorsiklo na minamaneho ni Ladislao Tubo, 44, ng Purok 2. Brgy. Mangilag Norte at may isang angkas.

Sa halip na pag-usapan ang danyos ng kanilang mga sasakyan at mga tinamong sugat, nagalit ang hindi nakilalang backrider ni Tubo at bumunot ng kalibre 45 mula sa beywang saka pinaulanan ng punglo ang mga estudyante.

Nang tumumba sa kalye ang mga biktima, sinabayan ng pagharururot ng mga suspek patungo sa direksyon ng kabayanan.

vuukle comment

ARNOLD ESTOLANO

MANGILAG NORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with