^

Probinsiya

2 solar panel ng Phivolcs sa Mt. Mayon, ninakaw

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pahirapan ngayon sa pagkuha ng datos ang Philippine Volcanology and Seismo-logy (PHIVOLCS) sa mga nangyayaring aktibidad ng Mt. Mayon matapos nakawin ang dalawang solar panel ng kanilang observatory station sa Mayon Resthouse sa Brgy. Buang, Tabaco City, Albay kamakalawa.

Ayon kay Paul Alanis, se­nior science research specialist ng Phivolcs-Legazpi, nadiskubre nilang ninakaw ang kanilang dalawang solar panel na may 150-watts bawat isa nang umakyat sila sa observatory station noong umaga ng Martes makaraang walang ma-transmit ang kanilang equipment sa nasabing station na nasa loob ng 6-kilometer danger area ng bulkan.

Ang nawalang mga solar panel ay napaka-importante dahil nagbibigay ito ng kur-yente sa kanilang mga equipment na vital sa pagrerekord ng mga pagyanig sa katawan ng bulkan, global positioning system (gps) at tiltmeter.

Nalungkot naman si Cedric Daep, hepe ng Albay Provincial Safety and Emergency Ma-nagement Office sa pagkawala ng mga gamit ng Phivolcs.

Importante umano ang ginagawa ngayong monitoring ng Phivolcs dahil sa panibagong aktibidad ng bulkan lalo na at nakitaan ito ng pamumula ng summit o crater glow nitong mga nagdaang araw.

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with