^

Probinsiya

Guro ginilitan, inatado ng 2 estudyante

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Guro ginilitan, inatado ng 2 estudyante
Lumalabas sa imbestigasyon na dinayo ng biktima mula sa kanyang bayan sa Sta. Maria at nakipag-inuman sa dalawang suspek ang guro bago ito nadiskubreng nagilitan ng leeg at tadtad ng taga sa buong katawan sa gilid ng isang dike sa Brgy. Libertad nang sumunod na umaga ng Miyerkules.
STAR/File

Pinagnakawan pa ng motorsiklo

MANILA, Philippines – Karumal-dumal ang sinapit ng isang guro na mi­yembro ng LGBT Community matapos gilitan sa leeg at saka tinadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng kanyang mismong dalawang estudyante at pinagnakawan pa ng motorsiklo sa Brgy. Libertad, Tayug, Pangasinan, kamakalawa.

Kinilala ni Major Wilmer Pagaduan, hepe ng Tayug Police Station ang napatay na si Arnaldo Tabucol 29-anyos, English teacher ng dalawang suspek na pawang grade 10 students.

Hindi na tinukoy ni Paga­duan ang pagkakakilanlan ng menor de edad na suspek na edad 17 na nadakip sa isang follow-up operation habang ang isa na edad 20 ay pinaghahanap pa.

Lumalabas sa imbestigasyon na dinayo ng biktima mula sa kanyang bayan sa Sta. Maria at nakipag-inuman sa dalawang suspek ang guro bago ito nadiskubreng nagilitan ng leeg at tadtad ng taga sa buong katawan sa gilid ng isang dike sa Brgy. Libertad nang sumunod na umaga ng Miyerkules.

Nabatid na nasukol ng mga otoridad sa inilatag na checkpoint ang 17-anyos na suspek habang sakay sa motorsiklo ng kinatay na guro.

Nasa pangangalaga ngayon ng DSWD ang nadakip na binatilyo na umano’y umaming matalik ang pakikipagkaibigan nito kay Tabucol.

Patuloy na sinisiyasat ng mga imbestigador ang kaso.

 

vuukle comment

SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with