^

Probinsiya

Panic buying sa face mask umabot na sa Baguio

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Panic buying sa face mask umabot na sa Baguio
Nabatid na nagkakaubusan na ng face masks na ibinebenta sa mga drug stores dito lalo na ang N95, isang uri ng face mask na hindi basta natatagusan ng alikabok o abo upang hindi mapasukan ang ilong o bibig.
STAR/Edd Gumban

BAGUIO CITY, Philippines — Dahil sa nararanasang ashfall sa iba’t ibang panig ng Luzon bunsod sa pagsabog ng Taal volcano, umabot na rito sa Baguio ang panic buying ng mga tao sa face masks simula nitong Linggo.

Nabatid na nagkakaubusan na ng face masks na ibinebenta sa mga drug stores dito lalo na ang N95, isang uri ng face mask na hindi basta natatagusan ng alikabok o abo upang hindi mapasukan ang ilong o bibig.

Matapos ang ulat na pagputok ng bulkang Taal, alas-10:30 pa lang ng umaga ay nagkakaubusan na ang mga stocks ng face masks sa St. Joseph Drug Store sa Session Road kabilang na ang mga pangkaraniwang surgical mask ng iba pang drug store sa lungsod. Ito ay sa pangamba na maaaring umabot rin sa Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Abra at Southern Apayao ang ashfall ng sumabog na bulkan sa Batangas.

“Wala po kaming stock na nung N95. Wala na rin pong surgical masks,” ayon sa drug store keeper.  

 Ang karaniwang presyo ng surgical mask ay mabibili ng P17 kada pakete ng 8 habang ang mga mas matitibay o nire­rekomendang isuot na dust mask ay nagkakahalaga ng P50 per pack of 10 na makikita sa hardware stores. May mga nabibili naman sa ilang hardware store na industrial type na dust mask na nagkakahalaga ng P430 kada isa.

vuukle comment

FACE MASK

TAAL VOLCANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with