^

Probinsiya

Mag-asawa timbog sa P.5 milyong shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa timbog sa P.5 milyong  shabu
Kinilala ang mag-asawang inaresto ng Marilog Police Station na sina Jalani Marilan Mohamad, 42, at misis na si Hanifa Cosai; pawang residente ng Nangka Baloi, Lanao del Norte.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang bagsak ng mag-asawa matapos masamsaman ng nasa P.5 milyong halaga ng shabu habang tatlong iba pa ang nahuli rin sa magkahiwalay na operasyon sa Davao City kamakalawa.

Kinilala ang mag-asawang inaresto ng Marilog Police Station na sina Jalani Marilan Mohamad, 42, at misis na si Hanifa Cosai; pawang residente ng Nangka Baloi, Lanao del Norte.

Nahuli ang mag-asawa sa Brgy. Buda, Marilog District, Davao City pasado alas-12:00 ng tanghali.

Ayon kay Captain Wilhelmton Soriano, deputy station commander ng Marilog Police, nahuli ang dalawa sa gilid ng daan kung saan isinagawa ang buy-bust operation.

Samantala, magkakasama na sa bilangguan ang tatlong magkakaibigan makaraang mahuli sa buy-bust operation sa Bypass Road, Laverna, Brgy. Buhangin ng nasabing lungsod.

Kinilala ng Buhangin Police ang mga suspek na sina Ruel Porio, Oliver Escoton at Ruel Calunia, pawang residente ng Punad Village, Brgy. Aliongto, Sasa sa lungsod.

Nakuha mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang umano’y shabu na nagkakahalaga ng P50,000.

vuukle comment

HANIFA COSAI

JALANI MARILAN MOHAMAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with