^

Probinsiya

2 lider ng NPA timbog, 4 sumuko

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 lider ng NPA timbog, 4 sumuko
Ang dalawa na may kasong murder at walang inirekomendang piyansa ang korte kapalit ng kanilang kalayaan ay nasakote alas-10 ng umaga nitong Martes sa secu­rity forces sa Sitio Buting, Brgy. Bati-an, Maitum, Sarangani.
STAR/ File

SARANGANI, Philippines — Dalawang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasakote  ng mga awtoridad habang apat pa ang sumuko sa magkakahiwalay na insidente sa Sarangani, iniulat kahapon.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO) 12 Spokesman Lt. Col. Lino Capellan, natimbog ang dalawang lider ng NPA sa pulisya at 27th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na sina Ka Ngo Magaw, proting-team leader ng Segunda, Platoon Samsung-NPA Guerilla Front Musa at Bwen Malantaw, doming-team leader, Platoon 1 sa ilalim ng GF Musa.

Ang dalawa na may kasong murder at walang inirekomendang piyansa ang korte kapalit ng kanilang kalayaan ay nasakote alas-10 ng umaga nitong Martes sa secu­rity forces sa Sitio Buting, Brgy. Bati-an, Maitum, Sarangani.

Sa tala, ang dalawang NPA leader ang umano’y responsable sa pamamaslang kay Pastor Jun Sebastian noong Disyembre 15, sa Brgy. Kalaneg, Maitum, Sarangani.

Samantala, apat na rebeldeng NPA ang sumuko sa Sebu Municipal Police Station at Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-12 sa Brgy. Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato noong Lunes dakong alas-5 ng hapon. Sila ay nakilalang sina Agnes Timbang, squad leader; Pamela Tang, titser; Lucia Minggay at Rene Legal. Kasamang isinuko ng apat ang kanilang mga armas na isang cal. 45 pistol na may magazine at anim na rounds ng bala, at isang cal. 38 revolver. 

vuukle comment

LINO CAPELLAN

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with