Guro na miyembro ng LGBT, huli sa droga
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Bagsak kalaboso ang isang guro ng pampublikong paaralan na miyembro ng LGBT matapos matimbog sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. 7, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.
Kinilala ni City Chief of Police Lt. Colonel Amador Quiocho ang arestado na si Jeffrey Agliam ng Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT) at utol ni Barangay Kapitan Joel Agliam ng nasabing lugar. Nasamsam mula sa guro ang 10 sachet ng shabu, buy-bust money at isang cellphone.
Sa ngayon, nasa panga-ngalaga na ng Bureau of Jail Management and Penology ang guro habang dinidinig ang kanyang kaso.
- Latest