^

Probinsiya

Karpintero niratrat sa rest house

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Karpintero niratrat sa rest house
Sa inisyal na report, nadatnan ng mga nagrespondeng pulis na nakabulagta at tadtad ng tama ng bala sa katawan sa loob ng isang kubo ang biktima na nakilala lamang sa pangalang “Michael”, 40-anyos, tubong Baggao, Cagayan at dalawang linggo pa lamang na naninirahan sa nabanggit na lungsod.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang isang karpintero matapos ratratin habang nakikipaglaklakan sa isang barangay tanod at isa pang kasama sa loob ng rest house ng isang mayamang negosyante sa Brgy. San Mariano, Lal-lo, dito sa lalawigan kahapon.

Sa inisyal na report, nadatnan ng mga nagrespondeng pulis na nakabulagta at tadtad ng tama ng bala sa katawan sa loob ng isang kubo ang biktima na nakilala lamang sa pangalang “Michael”, 40-anyos, tubong Baggao, Cagayan at dalawang linggo pa lamang na naninirahan sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat kay Major Ramon Macarubbo, hepe ng Lal-lo­­ Police Station, dakong alas-2:10 ng madaling araw, nari­nig ng mga kapitbahay ang putok ng baril mula sa rest house na pagmamay-ari ni Roberto Doniego Jr. ng Brgy. Pengue-Ruyu ng lungsod na ito. Nakita rin sa lugar ang mga nakatumbang bote ng alak at pulutan.

Nauna rito, kainuman ng biktima ang barangay tanod na si Mariano Baniaga na umano’y caretaker ng rest house at isang hindi pa natukoy na lalaki na kapwa pinag­hahanap na ng mga awtoridad.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 9mm. Nabatid na wala si Doniego sa kanyang rest house nang mangyari ang krimen.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with