^

Probinsiya

Ginang napaanak sa bus

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ginang napaanak sa bus
Kuwento ng ginang na si Lea Via, kasama niya ang kanyang mister na si Sardo at sakay sila ng Mindanao Star Bus at patungo sana sa Cotabato Provincial Hospital dahil kabuwanan na niya nang biglang sumakit ang tiyan. Gayunman, nasa Brgy. Paco pa lamang sila nang pumutok na ang kanyang panubigan. Aniya, kusa na nga lang lumabas ang sanggol mula sa kanyang sinapupunan.
STAR

NORTH COTABATO, Philippines — Napaanak ang isang ginang habang lulan ng isang bus sa Kidapawan City noong Linggo ng gabi.

Kuwento ng ginang na si Lea Via, kasama niya ang kanyang mister na si Sardo at sakay sila ng Mindanao Star Bus at patungo sana sa Cotabato Provincial Hospital dahil kabuwanan na niya nang biglang sumakit ang tiyan. Gayunman, nasa Brgy. Paco pa lamang sila nang pumutok na ang kanyang panubigan. Aniya, kusa na nga lang lumabas ang sanggol mula sa kanyang sinapupunan.

Agad namang tumulong ang ibang mga pasahero at naisaayos ang sanggol

Nabatid na batang babae ang iniluwal ng ginang pero “premature” ang baby nang lumabas.

Samantala bilang ayuda, sa halip na dumiretso ang bus ay lumiko muna ito at inihatid ang mag-ina sa isang pinakamalapit na ospital.

Agad namang sumaklolo ang mga staff ng ospital at inasikaso ang mag-ina. Lumalabas na tama naman umano na kabuwanan ng ginang pero maging ang asawa nito ay nagtaka kung bakit kulang sa buwan ang sanggol.

Ang mag-asawa ay residente ng Brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato. 

vuukle comment

ANAK

BABY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with