^

Probinsiya

Talakerang misis kinatay ni mister bago nagsaksak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Talakerang misis kinatay ni mister bago nagsaksak
Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa likod at sa iba-ibang parte ng katawan ay kinilalang si Rosalie Avenilla, 46, samantalang ginagamot sa Polilio Medicare Hospital ang suspek na si Rodsel Avenilla, 48.
File

BURDEOS, QUEZON, Philippines — Pinatay sa sak­sak at taga ang isang misis ng kanyang sariling mister na naburyong at nagtangka ring magpakamatay dahil sa matinding pagbubunga-nga ng una sa Sitio Bucal, Barangay Pob­lacion ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa likod at sa iba-ibang parte ng katawan ay kinilalang si Rosalie Avenilla, 46, samantalang ginagamot sa Polilio Medicare Hospital ang suspek na si Rodsel Avenilla, 48.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:30 ng gabi ay lasing na umuwi sa kanilang bahay ang suspek at agad siyang tinalakan ng misis.

Sa puntong iyon, nakipagtalo ang suspek sa asawa hanggang hindi makapagpigil at kumuha ng gulok at akmang tatagain ang babae.

Dahil sa takot, tumakbo ang misis subalit hinabol pa rin siya ng mister at agad na sinaksak sa likod. Nang sumubsob, inunda­yan pa ang misis ng sunud-sunod na taga hanggang sa mamatay. Tinangka namang magpatiwakal ng suspek sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang tiyan subalit mabilis siyang naisugod ng mga kapitbahay sa ospital.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with