^

Probinsiya

Grade 12 student huli sa P.6 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang 17-anyos na Grade 12 student ang nalambat ng pulisya matapos na masamsaman ng nasa mahigit P.6-milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Francisco, Gen Trias City.

Ayon kay P/Lt. Col Marlo Solero, hepe ng pulisya sa lungsod na nasa drug watchlist ang menor-de-edad na1suspek na itinago sa pa­ngalang “Saipodin” na tubong Maguindanao, at residente ng Area 1, Interpassion, Brgy Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat, alas-3:00 ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Drug Enforcemnet Unit (DEU)-Gen. Trias Police at PDEA-4A ang buy-bust sa batang suspek.

Isang miyembro ng pulisya ang tumayong poseur-buyer at naki­pag-transact sa batang suspek kung saan bumili ito ng shabu. Gamit ang  buy-bust money, nagkasundo sila at nag-abutan ng droga.

Dito na dinakma ng pulisya at nakuhanan ito ng may  100.10 gramong shabu na nagkakaha­laga P680,000.00.

Nakakagulat umano  na sa edad nito ay bulto-bultong shabu na ang hinahawakan ng batang suspek at nakasama pa ito sa Target ng pulisya . Kasong Violation of Section 5, Article 2 of R.A. 9165 ang kasong kakaharapin nito.

vuukle comment

DRUG ENFORCEMNET UNIT

GRADE 12

MARLO SOLERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with