^

Probinsiya

2 ‘adik’ nasabat sa checkpoint

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 �adik� nasabat sa checkpoint
Kinilala ni Major Joefers­son Gannaban, hepe ng Abulug Police ang mga ina­resto na sina Jonnel Tagpuno na drayber ng Toyota Hi Ace van (VN 2406) at alalay niyang si Adrian Dela Cruz na pawang taga-Ma­rikina City.
STAR/File

Tuguegarao City Cagayan, Philippines — Ares­tado ang dalawang umano’y adik sa droga na nagbibiyahe ng van na may kargang illegal narra lumber matapos maharang sa checkpoint at makuhanan pa ng shabu ng mga awtoridad sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan noong Lunes. 

Kinilala ni Major Joefers­son Gannaban, hepe ng Abulug Police ang mga ina­resto na sina Jonnel Tagpuno na drayber ng Toyota Hi Ace van (VN 2406) at alalay niyang si Adrian Dela Cruz na pawang taga-Ma­rikina City.

Ayon kay Gannaban, nadiskubre sa loob ng van na kinalas ang mga upuan ang kabuuang 500 board feet na narra na isang uri ng banned species na kahoy.

Nasamsam din sa dalawang nadakip na pawang sabog pa umano sa droga ang tatlong sachet ng shabu at sari-saring drug paraphernalia, dagdag ni Gannaban.

Nabatid na ang mga kahoy na narra ay mula sa Sta. Ana, Cagayan at ide­deliber sana ng dalawang suspek sa Taytay, Rizal.

 

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with