P3.2 milyong shabu nasamsam sa babaeng drug pusher
MANILA, Philippines – Umiskor ang mga awtoridad nang madakip ang isang High Value Target (HVT) na babaeng drug pusher na nakumpiskahan ng P3.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. 3, Bacolod City, Negros Occidental nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Arlene Arnaiz, 26 anyos, dalaga at residente ng Purok Tilapia, Brgy. 3.
Bago ang operasyon ay isinailalim sa masusing surveillance operation ang nasabing lady drug pusher na kabilang sa HVT sa lalawigan at nang makumpirmang positibo ang impormasyon ay isinagawa ang operasyon laban sa suspek hanggang mahuli ito.
Nakumpiska sa suspek ang isang plastic ice wrapper na naglalaman ng shabu; P3,000 cash at 270 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.2 M.
- Latest