^

Probinsiya

Health workers inambush ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Health workers inambush ng NPA
Sa ulat ni Police Colonel Ramir Perlito Perlas, Provincial Police Office Director ng Agusan del Norte, nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon.
A.N. Banaynal/The Freeman

MANILA, Philippines — Masuwerteng nakaligtas ang mga health worker makaraang paulanan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kanilang sinasak-yang multi-purpose vehicle (MPV) sa Kit­charao, Agusan del Norte, kamakalawa.

Sa ulat ni Police Colonel Ramir Perlito Perlas, Provincial Police Office (PPO) Director ng Agusan del Norte, nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa opisyal kasalukuyang lulan ng kulay abong Toyota Innova ang mga health worker ng Kitcharao sa pangunguna ni Ingrid Ramos, 46, public health nurse, Jenifer Veterbo, 28, midwife at iba pa na bu-ma­bagtas sa kahabaan ng Brgy. Road, Kalipayan, Sitio Zapanta Valley, Kitcharao ng lalawigan nang biglang sumabog ang landmine na sinundan ng pagpapaulan ng bala ng mga rebeldeng nakaposisyon sa lugar.

Nabatid na ang nasabing mga health worker ay nagsagawa ng medical mission sa kabilang barangay at pauwi na nang mangyari ang insidente.

Samantala, sinabi ng opisyal na mabuti na lamang at alerto ang driver ng naturang sasakyan na agad humarurot papalayo sa lugar upang walang mapahamak sa kanila.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with