^

Probinsiya

Misis na buntis, lover huli ni mister sa motel

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis na buntis, lover huli ni mister sa motel
Itinago sa pangalang “Rona” ang 36-anyos na misis, kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Legazpi City at residente ng Purok-6, Brgy. Bascaran habang nakilala ang sinasabing lover ng ginang na si Ryan Perdigon Ayala, 35-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Purok-1, Brgy. Capantawan, Legazpi City.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Kalaboso at nakatakdang sampahan ng kasong “adultery” ang isang 8-walong buwang buntis na misis at umano’y kalaguyo nito matapos maaktuhan mismo ng kanyang mister sa loob ng isang motel sa Doña Maria Subdivision, Daraga, lalawigang ito kamakalawa.

Itinago sa pangalang “Rona” ang 36-anyos na misis, kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Legazpi City at residente ng Purok-6, Brgy. Bascaran habang nakilala ang sinasabing lover ng ginang na si Ryan Perdigon Ayala, 35-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Purok-1, Brgy. Capantawan, Legazpi City.

Sa ulat, dakong alas-3:50 ng hapon habang nasa Daraga ang mister na itinago sa pangalang “Ruel”, 36-anyos, kawani rin ng DPWH district office sa Ligao City nang aksidenteng makita nito ang motorsiklo nilang mag-asawa na minamaneho ng hindi niya kilalang lalaki habang angkas ang misis nito kaya sinundan niya ito.

Gayunman, laking gulat ni Ruel nang makitang biglang lumiko papasok ng Today’s Inn ang motorsiklo ng asawa kaya palihim pa rin sinundan niya ito hanggang sa loob ng motel at nakitang pumasok sa Room 2 ang dalawa.

Sinundan pa at tinangkang pasukin ng mister ang kuwartong pinasukan ng kanyang asawa at kasamang lalaki pero pinigilan siya ng cashier ng motel at humingi na lang ng tulong sa kalapit na Daraga Police Station.

Kasama ang mga pulis, binuksan ng cashier ang nasabing silid ng motel at laking gulat ni misis at kalaguyo matapos silang mahuli sa akto ng mister sa loob.

Humirit pa ng paliwanag si misis na nagpasama lang umano siya kay Ayala na magpapa-ultrasound sa kanyang ipinagbubuntis.

Dahil sa insidente, duda na si mister kung kanila nga ang pang-limang ipinagbubuntis ng kanyang misis.

vuukle comment

DOñA MARIA SUBDIVISION

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with