^

Probinsiya

Misis pinasok, itinumba sa harap ng anak

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Misis pinasok, itinumba sa harap ng anak
Kinilala ang biktima na si Armie Angcot Bernardo, 33-anyos at residente sa nasabing lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang matapos na pasukin at bari­lin ng mga armadong lalaki sa harap ng kanyang anak sa Purok 6, Brgy. Poblacion, Compostela Valley kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Armie Angcot Bernardo, 33-anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Compostela Municipal Police, alas-6:00 ng gabi habang nasa loob lamang ng kanilang bahay ang biktima nang biglang dumating ang ‘di pa nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo at hinanap ang biktima dahilan para tawagin naman ng anak nitong 14-anyos. Gayunman, paglabas ng misis ay nagkasagutan sila ng suspek at tinatanong kung gusto pa ba niyang magtrabaho sa Sunshine Karton.

Sa puntong ito, hindi na nakasagot ang biktima hanggang sa marinig na ng anak niyang binatilyo ang sunud-sunod na putok ng baril.

Nang puntahan ng anak ay nakita na lamang na naliligo sa sariling dugo ang ina habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

vuukle comment

ARMIE ANGCOT BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with