^

Probinsiya

Kelot binoga sa palengke

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 30-anyos na binata matapos lapitan at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin habang namamalengke sa Brgy. San Ramon sa bayan ng Uson, Masbate kama­kalawa ng umaga.

Napuruhan sa katawan at agad nasawi ang biktimang si Ryan “Nonoy” Dalanon Lacson, residente ng Brgy. San Antonio sa bayan ng Milagros.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, namamalengke ang biktima sa talipapa ng barangay nang lapitan ng dalawang hindi nakilalang gunmen at sa hindi malamang dahilan ay bigla itong pinagbabaril.

Agad na bumulagta ang biktima makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan habang nagmamadaling tumakas ang gunmen sa hindi malamang direksyon.

Nakuha ng mga pulis sa lugar ang ilang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with