Kelot grinipuhan ang partner, saka nagbigti
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tinapos ng isang 53-anyos na farm caretaker ang kanyang buhay sa pagbibigti matapos gripuhan ang kanyang live-in-partner bunsod ng matinding selos sa Laoag City, Ilocos Norte, kahapon.
Sa report na nakarating kay Lt. Colonel Amador Quiocho, hepe ng Laoag City Police Station, natagpuan ng kanyang kasamahan ang bangkay ni Raul Napoleon Alonzo, na nakabitin at lawit pa ang dila sa stockroom ng pinapasukang piggery dakong alas-7:00 ng umaga.
Nabatid na naunang pinagsasaksak ni Alonzo ang kinakasamang si Anabel Salazar, 44, sa kanilang bahay sa Barangay Apaya matapos ang matinding away dakong alas-3:00 ng madaling araw saka ito tumakas at tinapos ang buhay sa babuyan.
Isinugod naman ng mga sumaklolo si Salazar sa ospital kung saan ito nagpapa-galing.
- Latest