^

Probinsiya

Guro, 4 pang kapamilya grabe sa ‘hit and run’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines – Isang guro at apat na miyembro ng pamilya nito ang malubhang nasugatan makaraan silang salpukin ng isang rumaragasang trak at takasan sa Brgy. Sta. Maria Magdalena, San Pablo City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Juanita Velasco Abainza, 53-anyos, guro ng Imok Elementary School at  kapatid ng The Philippine Star employee na si Gener Velasco; anak na si Jashly Ray Ivan na kapwa naka-confine sa Batangas City Hospital para sa fracture operation habang ang mister nito na si Mariano, 65, at dalawa pang anak na sina Ray Anne Jade, 15, at Jewelrie May, 15, kapwa estudyante ay isinugod sa PPL Hospital para sa karampatang lunas.

Sa ulat ng pulisya, kagagaling lamang ng pamil­ya Abainza sa burol ng kanilang kaanak at pauwi na lulan ng tricycle na minamaneho ni Mariano nang maganap ang insidente. Dakong alas-3 ng madaling-araw papuntang direksyong Calauan town proper ang nasabing pamilya nang pagsapit sa Brgy. Sta. Maria Magdalena ay binangga sila ng humahagibis na trak na sumakop sa kanilang linya saka sila  tinakbuhan ng ‘di kilalang driver.

Sinusuri na ng pulisya ang CCTV sa lugar na makakatulong upang matukoy ang truck at driver nito. Nanawagan naman ang pamilya Velasco sa mga awtoridad na agad na tukuyin at papanagutin ang responsable sa hit and run.

vuukle comment

HIT AND RUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with