^

Probinsiya

4 karnaper bulagta sa engkuwentro!

Gemma Garcia, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
4 karnaper bulagta sa engkuwentro!
Base sa ulat ni P/Lt. Col. Victorino Valdez, hepe ng Plaridel Police, naganap ang madugong engkuwentro bandang alas-3:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Brgy. Banga 1st at Brgy Bagong Silang, nasabing bayan.
File

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Apat na hinihinalang miyem­bro ng isang carnapping syndicate ang napatay sa engkuwentro kasunod ng isinagawang hot-pursuit operation ng mga awtoridad matapos mambiktima ng isang beautician sa Brgy. Bagong Silang ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Victorino Valdez, hepe ng Plaridel Police, naganap ang madugong engkuwentro bandang alas-3:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Brgy. Banga 1st at Brgy Bagong Silang, nasabing bayan.

Nauna rito, isang lalaki na pansamantalang itinago sa pangalang Abel ang nag-report na tinangay ng ‘di kilalang mga suspek ang kanyang Toyota Vios (AHA 2068).

Nauna rito, tinangay ng mga suspek ang isang gray na Toyota Vios (AHA 2068) na pag-aari ni Michael Re­yes, 27, ng Brgy. Longos, Pulilan, Bulacan habang nakaparada sa harap ng isang convenience store sa Brgy. Banga Dos.

Ayon kay Reyes, may binili lamang siya sa convenience store at nang bumalik sa kotse ay tinutukan na siya ng baril ng dalawang naka-bonnet na suspek at sapilitang tinangay ang sasakyan nito. Ang ibang suspek ay sakay umano ng motorsiklo.

Dahil dito, agad na ina­larma ng Plaridel Police at Bulacan Provincial Intelligence Branch ang mga tauhan upang mabawi ang nasabing sasakyan. 

Sinabi ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan provincial director na nang mai-flash alarm ang plaka ng tinangay na sasakyan, nasabat sa police checkpoint sa Bypass Road ang mga suspek pero ilang beses na umiwas hanggang sa  dumaan sila sa NIA Road sa Brgy. Bagong Silang kung saan sila nakorner ng mga humahabol na pulis. Nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa isa-isang bumulagta ang mga suspek na nagtangka pang tumakbo at tumakas.

“Tinamaan ng bala ang isang pulis pero masuwer­teng tumama naman ito sa kanyang vest,” dagdag ni Bersaluna.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang kalibre .38, isang kalibre .45, isang Uzi submachine gun at   sasakyan ng biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with