Killer’ ng DENR officer nang-agaw ng baril, todas
‘TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Bumulagta ang isang suspek sa pagpatay sa isang forest ranger ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos umanong mang-agaw ng baril ng pulis na umaresto sa kanya sa mismong himpilan ng San Jose City Police sa Nueva Ecija kahapon.
Sinabi ni City Chief of Police Lt. Colonel Heryl Bruno na patungo sana sa medical examination si Ariel Andrade, 30, ng Pantabangan nang mangyari ang pang-aagaw umano nito ng baril dakong alas-12:35 ng madaling-araw. Si Andrade ang isa sa tatlong itinuturong berdugo ni Ronaldo Corpuz ng Muñoz City DENR Office na itinumba sa Brgy. Villa Joson, San Jose City noong Oktubre 25.
Naunang dinakma ng mga awtoridad sina Eugene Cayabyab, 46, at Police Corporal Harold Culala, 41, ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa bayan ng San Juan sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya.
- Latest