^

Probinsiya

Magpinsan nilamon ng ilog, kritikal

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang magpinsang menor-de-edad matapos silang lamunin ng ilog habang naliligo nang mag-picnic kamakalawa sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Kinilala ni Col. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya sa lungsod ang mga biktima na sina alias Earl James, 12-anyos, Grade 7 student at alias John  Lloyd, 14-anyos, Grade 8 student, kapwa residente ng Sampaloc 4, Dasmariñas City. Ayon kay Col. Ricohermoso, alas-4:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa ilog ng Brgy. Sampaloc 4 kung saan nagpi-picnic umano ang magpinsan kasama ang iba pang mga kaibigan.

 Nauna umanong lumusong si Earl James sa ilog subalit nang makita umano nila ito ay nalulunod na at hinihigop pailalim ng tuibg. Dahil dito, agad na tumalon si John Lloyd upang tulungan ang pinsan subalit hindi na rin nito nakayanan at kapwa hinigop pailalim sa tubig.

Dito na humingi ng tulong ang mga kasamahan ng magpinsan at agad na ni-rescue ang dalawa. Mabilis na narekober ang katawan ng magpinsan na parehong unconsious at walang pulso ang dalawa nang duma­ting sa ospital pero ni-revive ng mga doktor

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with