^

Probinsiya

Rider durog sa pickup at bus

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon , Philippines — Dobleng kamalasan ang inabot ng isang magsasakang rider matapos banggain ng bumubuntot na pickup ay bumangga pa siya sa pampasaherong bus na kanyang ikinasawi habang malubhang nasugatan ang kanyang live-in partner na backrider kamakalawa ng umaga sa Maharlika highway, Brgy. Sto. Cristo ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang si Silvestre Garcia, 53, habang kasalukuyang ginagamot sa Candelaria District Hospital ang kanyang kinakasama na si Julieta Abiar, 48.

Sa ulat ng pulisya, sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo patungo sa Brgy. Sampaloc 2, dakong alas-5:20 ng umaga nang banggain sila sa hulihan ng isang Ford Ranger pickup na minamaneho ni Inocencio Honrubia, 68, ng Project 4, Quezon City. Tumilapon ang mga biktima kasama ang kanilang motorsiklo sa kabilang bahagi ng kalye saka bumangga sa Quezon City bound na JAC Li­ner bus na minamaneho ni Fernando Carurucan ng Tayabas City.

Nasa kustodya na ng pulisya ang dalawang driver ng mga sasakyang nakaaksidente sa mga biktima.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with