^

Probinsiya

HS stude tusta, 32 bahay naabo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 14-anyos na estudyante habang nasa 32 kabahayan ang tinupok matapos na sumiklab ang malaking sunog sa Sitio Amor, Brgy. Sambag 1, Cebu City nitong Sabado ng madaling araw. 

Kinilala ang nasawi na si Dawn Therese  Awi, 3rd year high school student na halos hindi na makilala sanhi ng grabeng pagkasunog ng katawan ng biktima. Sa ulat ng Cebu City Fire Marshal, bandang alas-2:25 ng madaling araw nang matanggap ng mga bumbero ang alarma sa sunog kaya mabilis silang rumesponde sa lugar.

 Nasa 50 pamilya rin ang naapektuhan ng sunog matapos na tupukin ng apoy ang tinatayang nasa 32 kabahayan sa lugar. Samantala, maging ang audio at props rooms ng Cebu City Sports Complex (CCSC) ay nadamay sa sunog.  Naapula ang apoy bandang alas-4:59 na ng umaga kung saan sinasabing na-trap ang biktima sa loob ng kanilang tahanan na siyang kumitil sa kanyang buhay.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with