^

Probinsiya

Misis pinasok, kinatay ng kaanak sa kusina

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dead-on-arrival sa ospital ang isang 34-anyos na misis matapos pagsasaksakin ng kamag-anak na isa ring misis habang nagsasaing ang biktima sa loob ng kanilang kusina sa Purok-6, Brgy. Dagotdotan, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Liezel Ricafort Oreo sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.

Arestado naman ang kanyang kamag-anak na suspek na si Lorilie Rocaboy Ricafort, 41-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10:40 ng umaga, habang nagsasaing si Oreo sa kusina ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspek na armado ng kutsilyo.

Hindi na nagawa pang makatakbo ang ginang nang bigla siyang undayan ng sunud-sunod na saksak ng suspek sa hindi pa malamang kadahilanan.

Agad isinugod ang biktima sa ospital pero ‘di na siya umabot nang buhay habang agad na naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na sumasailalim na sa imbestigasyon upang mabatid ang motibo sa pamamaslang sa sarili nitong kaanak.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with