^

Probinsiya

66-anyos ina pinatay sa gulpi ng anak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY,   Albay, Phillipines – Patay ang isang 66-anyos na ina matapos na gawing punching bag ng kanyang 39-anyos na anak na binata matapos ang kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Centro Occi­dental sa bayan ng Polangui, lalawigang ito, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Marlene Sarte Encisa na nakaburol habang ang anak na suspek ay si Andrew pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga noong Oktubre 6, natagpuan ng kanilang boarder na si Princess Bation na walang malay ang matandang biktima habang nakahiga sa kanyang kama at dahil hindi magising kaya agad isinugod sa Rural Health Unit sa bayan kung saan idineklarang patay.

Gayunman, habang nakaburol ang matanda ay nakonsensiya ang anak dahilan para magtungo sa police station at inaming siya ang nakapatay sa kanyang nanay.

Ayon sa suspek, nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng ina hanggang masampal niya at mabugbog sa iba’t bang bahagi ng katawan dahilan ng kanyang pagkasawi.

Sinampahan na ng kasong parricide sa Provincial Prosecutor’s Office sa Ligao City ang suspek.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with