^

Probinsiya

Welder nagulungan ng SUV, patay

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Welder nagulungan ng SUV, patay
Nakilala ang biktima na si Regie Osoteo, 40, residente ng Barangay Babanuang, San Manuel sa nasabing lalawigan.
FILE

SANTIAGO CITY, Isabelan, Philippines — Isang 40-an-yos na lalaki ang nasawi matapos aksidenteng magulungan ng isang SUV sa bayan ng San Manuel, lalawigang ito kahapon ng madaling araw. 

Nakilala ang biktima na si Regie Osoteo, 40, residente ng Barangay Babanuang, San Manuel sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, pasado ala-1:00 ng madaling araw habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng natio­nal highway sa Brgy. Babanu­ang nang big­lang mawalan ng kontrol sa manibela ng minamanehong motorsiklo (BC27322) at agad na bumagsak sa kalsada.

Dahil dito, aksidente naman siyang nagulu-ngan ng sumusunod na isang Ford Ecosport  (BAA 4415) na minama­neho ni Faisal Natividad, 18, na residente ng Barangay   Sili, Aurora, Isabela.

Mabilis na isinugod ng mga rumespondeng kagawad ng Rescue 888 sa pagamutan ang biktima subalit idineklara siyang dead-on-arrival (DOA).

Kusa naman na su­muko sa himpilan ng pu­lisya ang driver ng SUV matapos ang insidente. 

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with