^

Probinsiya

Ginang niratrat sa mismong bahay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG, Quezon,Philippines — Dead-on-the-spot ang isang ginang matapos ratratin ng ‘di pa nakikilalang gunman habang may kausap na tao sa terasa ng kanyang bahay naganap sa Sitio Burol, Brgy. Lumingon, kamakalawa ng hapon.

Tama ng bala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang agad na tumapos sa buhay ng biktimang si Rowena Manalo, 52.

Patuloy namang nanga-ngalap ng impormasyon ang mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos na isagawa ang krimen.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:20 ng hapon habang nakaupo sa terrace ng kanyang bahay ang biktima at kinakausap ang credit consultant na si Lyster Arrogancia nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.

vuukle comment

DEAD ON THE SPOT

DOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with