^

Probinsiya

Kuya inutas ni bunso dahil sa lupa

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng isang 32-anyos na binata matapos barilin ng nakababatang kapatid dahil lamang sa away sa lupa sa Purok Jacinto, Brgy. Coronobe, Maragusan, Compostela Valley, kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Marjun Magkidong na idineklarang dead-on-arrival sa Compostela Valley Provincial Hospital-Maragusan habang sumuko naman matapos ang krimen ang suspek na si Sannyboy Magkidong, 30, pawang mga residente ng lugar.

Sa ulat ng Compostela Valley Police Provincial Office, napag-alaman na rumes­ponde pa ang Maragusan Emergency Res­ponse Team (MERT) sa Maragusan Municipal Police Station upang ipaalam ang nangyari, alas-8:30 ng gabi. 

Nabatid na nakipag-inuman ang suspek sa bahay ng tiyuhin at kasunod ay  pumunta sa bahay ng kanyang tiyahin at kinuha dito ang isang homemade shotgun na nakalagay sa kuwarto.

Kasunod nito, galit na galit si Sannyboy na su­mugod sa bahay ng kuya at nagsisigaw at pilit na pinalalabas ang huli.

Hindi nagtagal, lumabas ang biktima at nilapitan nito ang nagwawalang kapatid ngunit agad siyang sinapak sa kaliwang parte ng tiyan saka binaril sa tuhod.

Mabilis na tumakas si Sannyboy papuntang Purok Mandayan pero sumuko rin kay Purok Leader Nolan Subayno sa Brgy. Coronobe.

Agad na rumesponde ang mga otoridad sa crime scene ngunit tanging ang homemade shotgun na gina­mit ng suspek sa pagpatay sa kapatid ang narekober.

Ayon sa mga otoridad, away sa lupa ang motibo ng krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with