^

Probinsiya

Kolektor tigok sa trak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang kolektor matapos magulungan sa katawan ng kasalubong na trak makaraang sumemplang ang motorsiklong kanyang sinasakyan sa kahabaan ng national highway ng Purok-2, Brgy. Paulba sa Ligao City kamakalawa ng umaga. Tinangka pang isugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang backrider na si Jose Relly Castuera, 24, ng Brgy. Banquerohan, Legazpi City habang sugatan at nagpapagaling sa ospital ang rider na si Rocky Sinajon, 27-anyos; kapwa kolektor ng Ramzcris Lending Company.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga, binabagtas ng motorsiklo (6684-EZ) ng mga biktima ang highway patungong bayan ng Pio Duran pero pagdating sa paliko at paahong bahagi ay nadulas at sumemplang ang kanilang sinasakyan at parehong tumilapon sa kalsada ang dalawa.

Sa kamalasan, tumilapon si Castuera sa kabilang linya ng kalsada dahilan para masagasaan naman siya ng kasalubong na Giga Wing Van truck (ACO-9098) na minamaneho ni Romulo Aviles, 47, ng Brgy.Pansol, Calauag, Quezon. Agad sinaklolohan ng mga residente ang mga biktima at isinugod sa ospital pero ’di na umabot nang buhay si Castuera.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with