^

Probinsiya

61-anyos todas sa tandem

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 61-anyos na senior citizen matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki kamakalawa ng gabi sa tapat ng gasolinahan sa Bacoor City, Cavite.

Nakilala ang napatay na biktima na si Rory Maravilla, may asawa at operations officer sa Bacoor.

Pinaghahanap naman ang dalawang suspek na pawang naka-jacket na itim.

Sa pagsisiyasat, alas-8:20 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Bacoor Boulevard sa tapat ng Petron Gasoline Station kung saan naglalakad ang biktima nang biglang pagbabarilin ng dalawang ‘di nakilalang suspek.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin tangay ang mga baril na ginamit.

Narekober sa insidente ang 7 fired cartridge case ng caliber 9mm at 1 fired bullet ng ‘di pa matuloy na kalibre ng baril. Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo sa krimen at posibleng nasa likod nito.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with