^

Probinsiya

Kotse vs tricycle: 1 patay, 2 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Tuguegarao City, Cagayan, Philippines – Utas ang isang tricycle driver habang ma­lubha ang dalawa nitong kaanak na pasahero ma­tapos silang salpukin ng ru­maragasang kotse sa highway ng Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela kahapon (Huwebes).

Kinilala ni Captain Mario Discipulo, hepe ng PNP Reina Mercedes ang nasawi na si Jonel Parado habang sugatan sina Marivic 50 at Juan 58 Parado.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing sa inuman ang drayber ng Toyota Vios na si Kenneth Kert Ariola, 20, nang lumihis sa kabilang linya at nasalpok  ang traysikel dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Isinugod ng mga sumak­lolo ang mga biktima sa Cauayan District Hospital kung saan idineklarang patay si Jonel.

Isinailalim sa kustodiya ng pulisya si Ariola matapos ang sakuna.

 

vuukle comment

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with