^

Probinsiya

Nene ni-rape ng adik na ama

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

ANGAT, Bulacan, Philippines – Kalaboso ang isang ama na hinihinalang adik sa droga matapos na ipagharap ng reklamo ng rape ng 12-anyos na anak na babae kamakalawa ng tanghali sa Sitio Libis, Brgy. Marungko ng nasabing bayan. Kinilala ni P/Maj. Isagani Santos III, hepe ng Angat Police ang suspek na si Eduardo Santos, 45 anyos, may-asawa ng nasabing barangay. Sa report, dakong alas-12:30 ng tanghali habang naliligo sa banyo ang biktima nang pasukin ng ama saka ginahasa. Tinakot pa ng suspek ang anak at pinagbantaan na papatayin ang kanyang ina sa oras na siya ay magsumbong. Nadatnan ng ina ng biktima na umiiyak sa kuwarto nito at nang tanungin kung bakit ay doon na nagsumbong ang dalagita sa ginawang kahalayan sa kanya ng sariling ama. Agad na nagsumbong sa pulisya ang ina ng biktima at ipinaaresto ang mister. Nadatnan ng mga pulis ang suspek habang nakikipag-inuman sa kanilang kapitbahay at nakuhanan pa ito sa bulsa ng kanyang short ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with