^

Probinsiya

8 patay, 16 sugatan sa road mishap

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
8 patay, 16 sugatan sa road mishap
Sa ulat kay P/Col. Alexander Tagum, hepe ng Davao City Police, dakong alas-12:26 ng hapon kahapon habang binabagtas ang south bound lane ng C.P. Garcia Highway ng Isuzu Forward truck (ACN6036) lulan ang mga biktima, nang pagdating sa kurbadang bahagi ng Oran­ge Groove, Matina Pangi ay nag-overshoot ito at bumangga sa poste ng kuryente. Sa lakas ng impact, nagkalasug-lasog ang apat at kapwa nasawi sa lugar.

NORTH COTABATO, Philippines – Walo katao ang nasawi habang 16 na iba pa ang nasugatan sa magkahiwalay na road crash sa Davao City, iniulat kahapon.

Sa unang insidente, dead-on-the spot ang apat na biktima na sina Meljay Quillosa; Rolly Ambas Balagisi, 26; Justin Libayaw, 19; pawang mga pasahero, at isang tinukoy lamang sa pa­ngalang Tata, driver ng forward truck.

Sa ulat kay P/Col. Alexander Tagum, hepe ng Davao City Police, dakong alas-12:26 ng hapon kahapon habang binabagtas ang south bound lane ng C.P. Garcia Highway ng Isuzu Forward truck (ACN6036) lulan ang mga biktima, nang pagdating sa kurbadang bahagi ng Oran­ge Groove, Matina Pangi ay nag-overshoot ito at bumangga sa poste ng kuryente. Sa lakas ng impact, nagkalasug-lasog ang apat at kapwa nasawi sa lugar.

Nauna rito, patay din ang apat katao habang 16 ang sugatan matapos ang banggaan ng isang pampasaherong bus at isang wing van sa McArthur Highway, Central 1, Brgy. Binugao Toril, nasabing lungsod noong Martes.

Agad na nasawi sa aksidente si Judy Me­ja­res, 50, habang sa Southern Philippine Me­dical Center (SPMC) binawian ng buhay ang mga kapwa pasahero na sina Theresa Gonzales, at mag-asawang Julieta, 53, kawani ng DSWD-Monkayo, Compostela Valley at Rodrigo Tulin, isang retiradong sundalo.

Sa imbestigasyon ni P/SMS Celso Halasan ng Toril Police, ala-1:15 ng hapon nang magsalpukan ang Davao City bound Mindanao Star bus (M01-15-002647) lulan ng 21 pasahero na minamaneho ni Andro Saiden Abdulwahab at Hino wing van na puno ng kargamento at minamaneho ni Elmer Gonzalez.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with