^

Probinsiya

Palengke sa Isulan pinasabog: 8 sugatan

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Palengke sa Isulan pinasabog: 8 sugatan
Kinilala ang mga nasu­gatan na sina Jomar Catalan Aquino, 30; Jay Carnaso, 30; Niño Virgo, 28; Jarem Binaluon, 24; Gulano Salip, 24; traffic enforcer na si Terrencio Cagadas, 35; pawang ng Isulan, Sultan Kudarat; Gerald Cartanega, 28, ng Surallah, South Cotabato at Richard Arancillo.
File

MANILA, Philippines — Walo katao kabilang ang isang traffic enforcer ang nasugatan makaraang sumabog ang isang improvised na bomba na itinanim ng hinihinalang mga terorista sa pamilihang bayan habang abala ang mga tao sa pamamalengke ng Isulan, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasu­gatan na sina Jomar Catalan Aquino, 30; Jay Carnaso, 30; Niño Virgo, 28; Jarem Binaluon, 24; Gulano Salip, 24; traffic enforcer na si Terrencio Cagadas, 35; pawang ng Isulan, Sultan Kudarat; Gerald Cartanega, 28, ng Surallah, South Cotabato at Richard Arancillo.

 Ang mga biktima ay isinugod sa Holy Nazarene Hospital at Sultan Kudarat Provincial Hospital para malapatan ng lunas.

 Ayon kay Major Arvin Encinas, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), dakong alas-7 ng umaga nang mangyari ang pagsabog ng Improvised Explosive Device (IED) sa public market ng Isulan.

 Sa imbestigasyon, ang pampasabog ay inilagay sa tabi ng isang nakaparadang motorsiklo. 

Nabatid na kasalukuyang namamalengke ang mga tao sa lugar at nasa bisinidad din ang traffic enforcer na si Cagadas nang yanigin sila ng malakas na pagsabog na kanilang ikinasugat.

 Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ang mga lokal na teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagpapasabog habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

BOMB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with