^

Probinsiya

3 pang ‘tulak’ utas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines — Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng droga matapos na kasahan ang mga operatiba ng pulisya sa isinagawang buy-bust operations sa magkakahiwalay na lugar dito sa probinsya, iniulat kahapon..

Kinilala ni P/Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police Provincial commander, ang mga napaslang na sina Quirino Cruz, 46, may-asawa ng Brgy. Poblacion 2, Gerona, Tarlac; Pepito Sabado, ng Brgy. Bitas, Cabanatuan City, at isang alyas “JR”.

Sa ulat, ala-1:30 ng umaga noong Huwebes, nagsagawa ng buy-bust ang Nampicuan Police sa Brgy. North Poblacion laban sa dayong si Cruz na nauwi sa pagkamatay nito. Dalawang plastic sachet ng umano’y shabu ang nakuha sa suspek at kanyang calibre .38 revolver.

Ayon naman sa Muñoz Science City Police, bandang alas-5 ng mada-ling-araw nang makatransaksyon nila si alyas “JR” na nanlaban umano sanhi upang bumulagta. Narekober dito ang isang caliber .38 revolver at dalawang plastic sachet ng shabu.

Sa bayan ng Aliaga, napaslang din si Sabado nang manlaban umano sa buy-bust ng pulisya sa Bgy. Poblacion dakong alas-12:45 ng madaling-araw kahapon. Nakuha sa napaslang na suspek ang isang plastic sachet ng umano’y shabu at kalibre .38 snub nose revolver.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with