^

Probinsiya

NLEX Balagtas Northbound, bukas na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang magandang balita para sa mga motorista matapos na pormal nang buksan ang North Luzon Expressway (NLEX) Balagtas Northbound Entry.

Pinangunahan nina Sec. Mark A. Villar, ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Bulacan Gov. Daniel  Fernando at Luigi Bautista, presidente at general manager ng NLEX Corporation ang pagbubukas ng NLEX Balagtas northbound kamakalawa ng hapon. Ang nasabing proyekto na nagkokonekta sa Plaridel Bypass Road sa NLEX upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Sta. Rita Exit at Daang Maharlika partikular na sa Plaridel at Guiguinto ay makababawas sa trapiko ng 30 porsyento habang mapapabilis naman ang biyahe ng 50 porsyento patungong Pampanga.

Nagpasalamat si Fernando sa proyekto at sinabing isa itong biyaya para sa mga mamamayan ng Bulacan.

Ayon kay Villar, ang nasabing kalsada na tinawag niyang proyekto ng bawat isa ay isang halimbawa ng epekto ng “Build Build Build” Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

NLEX BALAGTAS NORTHBOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with