^

Probinsiya

Misis patay sa taga ni mister

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Misis patay sa taga ni mister
Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ay kinilalang si Josephine Rosales, 44, samantalang kinasuhan ng parricide ang nakapiit na mister na si Candido Rosales.

SAN FRANCISCO, Quezon, Philippines — Todas ang isang ginang matapos ataduhin ng taga ng kanyang mister na umano’y may sayad sa pag-iisip dahil sa pagsunod nito sa bumubulong sa kanya na patayin ang kanyang misis, kamakalawa sa Brgy. Butanguiad bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ay kinilalang si Josephine Rosales, 44, samantalang kinasuhan ng parricide ang nakapiit na mister na si Candido Rosales.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen ay malimit umanong nakakarinig ng boses ang suspek mula sa hindi nakikitang nilalang at inuutusan siyang paslangin ang asawa.

Dakong alas-4:00 ng madaling araw habang mahim­bing na natutulog ang biktima nang lapitan at pagtatagain ng mister batay sa pinakabagong utos ng nilalang.

Bahagyang nawalan ng malay ang suspek nang mahimasmasan at natuklasan ang ginawa niyang krimen.

vuukle comment

WIFE STABBED TO DEATH BY HUSBAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with