^

Probinsiya

Bading na nambibiktima sa FB, tiklo sa NBI

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bading na nambibiktima sa FB, tiklo sa NBI
Ang suspek na si Lheovi Reyes

MALOLOS CITY, Bulacan  , Philippines  —  Dinakma ng NBI sa isang entrapment operation kahapon ng umaga sa siyudad na ito ang isang bakla matapos na ireklamo ng isang 16-anyos na lalaki ng robbery/extortion na nabiktima nito sa social media.

Ang suspek ay nakilalang si Lheovi Reyes, 35-anyos ng Paombong, Bulacan na nakakulimbat ng pera at mahahalagang gamit sa biktimang itago sa pangalang Rod.

Si Reyes ay gumamit ng pekeng profile picture sa social media para makapanloko ng mga target na biktima, isa na rito si Rod.

Nabatid na Grade 8 pa lamang ang biktima noong 2016 at nag-aaral sa isang exclusive school sa Malolos nang magsi-mula siyang perwisyuhin ng suspek na nakipagkaibigan sa Facebook gamit ang profile picture ng isang maganda, sexy at batang babae.

Matapos magpalitan ng sexy pictures, kalaunan ay lumantad na ang suspek na isa pa lang bading at humirit na makipag-sex sa biktima.

Nang tumanggi ang menor-de-edad, doon na siya sinimulang takutin at kikilan ng pera at mga gamit. Nagbanta na kung hindi magbibigay ang binatilyo ay ilalantad ng bading ang mga larawan ng una at pupunta sa bahay nila para ipilit na makipag-sex sa kanya.

Grade 11 na ngayon ang menor-de-edad na biktima at hindi na niya makayanan ang trauma at panggigipit ng suspek sa kanya kaya napilitan na siyang magtapat sa mga magulang na humi­ngi ng tulong sa NBI.

Nabatid na nasa P2,000-P30,000 ang hinihingi ng suspek sa biktima kada buwan bukod pa sa mga signature clothes, shoes, jewelry, watch, at iba pa.

Ayon sa lumuluhang biktima, madalas siyang mangkupit ng pera ng   mga magulang at kinuku­ha ang mga mamahaling gamit ng kapatid nito upang may maidagdag lamang    na ibigay sa suspek dahil   sa matinding pananakot nito.   

vuukle comment

EXTORTION

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with