^

Probinsiya

Karnaper bulagta sa shootout

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —  Isang umano’y karnaper ang bumulagta matapos manlaban sa mga nagrespondeng pulis nang mang-agaw umano ng motorsiklo sa Brgy. San Mateo, Tumauini, Isabela kamakalawa. 

Sa report kay Police Major Eugenio Malillin, hepe ng Tumauini Police, agad bumulagta ang hindi pa natukoy na lalaki na umano’y nang-agaw ng motorsiklo ni John Donato na galing sa pagpapakarga ng gasolina dakong alas-9:00 ng gabi.

Agad na humingi ng tulong si Donato at nang respondehan ng mga pulis ang lugar ay nanlaban umano ang suspek sanhi ng shootout. Narekober sa napatay na suspek ang motorsiklo, ang baril nitong cal.38 revolver na paltik at isang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

CARNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with