^

Probinsiya

Trike sinalpok ng van: 2 patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LOPEZ, Quezon, Philippines — Patay ang isang driver at kanyang pasahero makaraang mabangga ang sinasakyan nilang tricycle ng isang van habang bumabagtas sa crossing ng diversion road sa Barangay Danlagan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima na kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan sanhi ng kanilang pagkamatay ay sina Jimboy Gonzales, 29, binata ng Bay, Laguna at Ramon Saladas, 49, ng Buenavista, Quezon.

Sa imbestigasyon, papunta sa town proper ang Rusi tricycle na minamaneho ni Gonzales at sakay na si Saladar nang aksidente silang mabangga ng Manila bound na Toyota Hi-ace Grandia van na minamaneho ni Niel Romano.

Dahil sa tindi ng pagbangga, naipit sa tricycle ang dalawang biktima.

Nang maialis ng mga sumaklolo sa pagkakaipit, mabilis na isinugod ang dalawa sa Magsaysay District Hospital pero kapwa binawian ng buhay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with