^

Probinsiya

Kakalaya pa lang, tiklo ulit sa droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Kakalaya pa lang, tiklo ulit sa droga
Sa ulat ng pulisya, himas-rehas ulit si Francis Lecaros, 22, residente ng nabanggit na lugar at isang taong nakulong sa Talipan District Jail subalit pinalaya ng korte noong July 9, 2018 sa pamama-gitan ng plea bargaining.
File Photo

LUCENA CITY, Philippines — Tila walang pagkatuto ang isang binata na higit isang taon pa lang laya sa kaso ng droga ay muling nasakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng nasa P100,000.00 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Buklod Pagkaka­isa, Brgy. Cotta, sa lungsod na ito, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, himas-rehas ulit si Francis Lecaros, 22, residente ng nabanggit na lugar at isang taong nakulong sa Talipan District Jail subalit pinalaya ng korte noong July 9, 2018 sa pamama-gitan ng plea bargaining.

Bago ang pagkakadakip sa suspek, may ilang buwan ding isinailalim sa surveillance ang suspek at nang makumpirmang nagpapatuloy ito sa ilegal na gawain ay saka ikinasa ang buy-bust ope­ration dakong alas 2:30 ng madaling araw.

Aabot sa mahigit  27  gramo ng shabu na may street value na P100,000.00, isang pira­so ng P1,000 marked money, at pitong piraso ng P1,000 budol money ang nakuha sa suspek.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with