^

Probinsiya

Trak sumalpok sa bahay, driver dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Trak sumalpok sa bahay, driver dedo

Matapos banggain ng bus

ATIMONAN, Quezon  , Philippines  —  Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang driver habang sugatan ang kanyang pahinante nang banggain ng kasalubong na bus ang kanilang sinasakyang 6-wheeler truck at dire-diretsong sumalpok pa sa isang bahay sa Maharlika highway sakop ng Brgy. Tinandog ng bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Domi-ngo Llaneta Jr., 33, ng Legazpi City habang ginagamot sa Doña Martha Hospital si Alberto Giba dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

Sa imbestigasyon, patungo sa Maynila ang nasabing truck (TPE-407) na minamaneho ni Laneta nang banggain ito sa gawing unahang kaliwa ng Bicol bound na JAC Daet Liner (NDC-5021) na minamaneho ni Nemesio Estacion ng Labo, Camarines Norte. Nawalan ng kontrol sa manibela si Llaneta kung kaya’t bumangga umano ang trak sa bahay ni Prudencio Semillano na nakatayo sa malapit sa gilid ng highway. Tumama ang ulo at katawan ni Llaneta sa mga yerong bubong ng bahay na naging sanhi ng kamatayan nito.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with