^

Probinsiya

Buy-bust: Drug suspect utas

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA   , Philippines  —  Isa ang nasawi habang apat ang arestado sa isinagawang buy-bust operations sa dalawang bayan at isang lungsod sa lalawigang ito noong Huwebes, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay P/Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, napatay ang drug suspect na si Jeffrey Sangabol, alyas “Jeff”, nasa hustong gulang, may-asawa, ng Brgy. Valenzuela, Sta. Rosa, Nueva Ecija, makaraan umanong manlaban sa mga kagawad ng Guim­ba Police sa buy-bust operation sa Brgy. Cavite, Guim­ba, dakong alas-10:30 ng gabi noong Huwebes.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Randall Salongcay, 34, may live-in partner isang vendor at John Kenneth Flores, 26, binata, tricycle driver, kapwa ng Brgy. Bantug Norte, Cabanatuan City alas-11 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Talavera Police sa Brgy. San Miguel na Munti habang sina Ro-naldo Pascual, 38, binata, tricycle driver, ng Purok 5, Brgy. Imelda, at Rolando Alcaraz, 40, binata, isang dressmaker ng Purok 1, Brgy. Vijandre; kapwa ng Cabanatuan City ay nasakote sa buy-bust sa Purok 5, Brgy. Imelda, ng nasabing lalawigan dakong alas-2:30 ng hapon noong Huwebes.

Nakumpiska kina Salongcay at Flores ang umano’y mga high grade ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa isang malaki at dalawang maliit na zip-lock plastic at 4 pang plastic sachet ng umano’y shabu kasama rin ang P1,000 na buy-bust money.

Nasamsam naman kina Pascual at Alcaraz ang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu at P500 marked money.

vuukle comment

DRUG BUY BUST

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with