^

Probinsiya

Van inararo ng bus, 4 tigok

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Van inararo ng bus, 4 tigok

LOPEZ, Quezon  , Philippines  —  Patay ang apat na katao kabilang ang tatlong magkakaanak habang anim ang sugatan matapos salpukin at araruhin ng isang pampasaherong bus ang kasalubong nitong van sa Maharlika highway sakop ng Brgy. Malay ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Paterno Carnate Jr. 47, driver, Rarmundo Acebuche, 56, asawang si Maryjoy Acebuche, 48, at Raquel Acebuche, 20, dalaga, pawang mga residente ng Northern Samar.

Patuloy namang ni­lalapatan ng lunas sa Magsaysay District Hospital dahil sa mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang iba pang sakay ng van na sina Rafael Acebuche, 20, Roselyn Acebuche, 24, Bilito Guliman, 52, Joy Ericka Guliman, 18, Maritess Cerujano, 42, at Daisy Cerujano, 20.

Batay sa imbestigasyon, patungo sa Maynila ang Toyota Hi Ace van ng mga biktima nang banggain ito dakong alas-11:55 ng gabi ng Bicol bound na P and O bus na minamaneho ni Marlon Ricon na naunang nag-overtake sa isang motorsiklo.

Nagmistulang niyu-ping lata ang unahan ng van makaraang banggain ng bus at saka inararo pa ang mga nakaparada sa gilid ng kalye na isang motorsiklo at isang kotse.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries and damage to properties ang kinakaharap ng bus driver na nakapiit na sa municipal jail.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with