^

Probinsiya

No. 1 priority na ‘pusher’ huli sa P.34-M droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Nahuli na rin ang Number 1 prio­rity na drug suspect ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya matapos mahulihan ng shabu na aabot sa halagang P.34 milyon sa isinagawang search warrant operation sa kanyang bahay sa Sitio Quidalagon, Zone-6, Brgy. San Lucas sa Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kalaboso at sinampahan ng kaso ang suspek na si Joseph Esperida Viola, 40-anyos at residente ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-7:25 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Pedro Redona ng RTC Branch 63 sa Calabanga, agad na sinalakay ng mga tauhan ng PDEA at pulisya ang bahay ng suspek. Pitong malalaking plastic sachet ng shabu ang nakuha sa bahay ng suspek na tumitimbang ng 50 gramo at may market value na P340,000 at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with