^

Probinsiya

Kuya na may ‘sayad’ kinatay ng utol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kuya na may �sayad� kinatay ng utol
Agad nasawi dahil sa dami ng saksak na tinamo sa katawan ang biktimang si Joseph Chavez Templonuevo habang arestado at sinampahan na ng kasong pagpatay ang suspek na si Jaimes Chavez Templonuevo, 18-anyos.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Agad nasawi ang isang 22-anyos na binata na may sakit umano sa pag-iisip matapos na pagsasaksakin ng nakababatang kapatid sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Lugsadan, Brgy. Bote, Bato, Catanduanes kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi dahil sa dami ng saksak na tinamo sa katawan ang biktimang si Joseph Chavez Templonuevo habang arestado at sinampahan na ng kasong pagpatay ang suspek na si Jaimes Chavez Templonuevo, 18-anyos.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang magkapatid nang sa ‘di malamang dahilan ay nilapitan ng suspek ang kanyang kuya at bigla na lang sinaksak sa dibdib at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dahil sa kaguluhan sa loob ng bahay, napasugod ang mga kamag-anak pero inabutang duguan at patay na ang biktima habang nasa tabi ang kanyang nakababatang kapatid.

Hindi pa malaman kung ano ang pumasok sa isip ng suspek at pinaslang ang kanyang kuya habang patuloy ang ginagawang im­bes­tigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

LEGAZPI CITY ALBAY CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with