^

Probinsiya

2 stude tiklo sa 5.5 kilong marijuana

Mer Layson, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 stude tiklo sa  5.5 kilong marijuana
Ang mga suspek, na umano’y mga tulak ng droga ay naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Balagtas Police dakong alas-12:10 ng madaling araw sa Brgy. San Juan, Balagtas.

MANILA, Philippines — Nasa 5.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 milyon ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa dalawang lalaking estudyante na kanilang naaresto sa ikinasang buy-bust operation sa Balagtas, Bulacan kahapon ng madaling araw.

 Kinilala ni Bulacan Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna ang mga naarestong suspek na sina Paolo Licud, 21, ng Brgy. San Juan, Balagtas, at Mark John Paul Bateni, 18, ng Brgy. Tabe, Guiguinto, kapwa sa Bulacan.

 Ang mga suspek, na umano’y mga tulak ng droga ay naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Balagtas Police dakong alas-12:10 ng madaling araw sa Brgy. San Juan, Balagtas.

Nang tunguhin ng mga pulis ang bahay ng isa sa suspek, doon nila nakumpiska ang limang bloke ng marijuana at isang kalahating bloke pa ng marijuana na umabot lahat sa 5.5 kilo. Nakuha rin sa kanilang posesyon ang marked money na ginamit sa operas­yon.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with